Taliban, hindi tinanggap ang alok na ceasefire at dinukot ang halos 200 katao
Hindi tinanggap ng Taliban ang alok na tigil-putukan ng pamahalaan ng Afghanistan atipagpapatuloy ang pag-atake.
Habang sinalakay ng nasabing grupo ang tatlong bus kung saan nasa 200 pasahero angkanilang dinukot na magbabakasyon sana.
Ayon sa mga dalawang Taliban commanders ay hindi tinaggap ng kanilang Supreme Leader nasi President Ashraf ang tatlong buwang alok na tigil putukan na magsisimula sana sa araw ng Eid al-Adha.
Noong Hunyo ay nakiisa ang Taliban sa government ceasefire sa tatlong araw na Eid al-Fitr festival na humantong pagyayakapan naman ng sundalo at mga militante.
Dahil sa pangyayaring ito, lumakas ang pag-asa na magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ngdalawang panig.
Ngunit isa sa mga commander ng grupo ang nagsabing tigil putukan ay nakatulong lang sa pwersa ng US na layong mapaalis sila sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.