Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

By Justinne Punsalang August 21, 2018 - 04:38 AM

Magpapatupad ng panibagong oil price adjustment ngayong araw ng Martes, Agust 21, 2018.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, magkakaroon ng 30 sentimong dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang mababawasan naman ng 20 sentimo ang bawat litro ng kerosene o gaas.

Wala namang paggalaw sa halaga ng diesel.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng adjustment ang mga kumpanyang Flying V, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, Seaoil, Shell, at Total.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang mga kumpanyang Caltex at Unioil tungkol sa panibagong oil price adjustment.

Epektibo ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo mamayang alas-6 ng umaga.

TAGS: oil, oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.