Senador Legarda: Pagdiriwang ng Eid’l Adha magiging mas makabuluhan dahil sa BOL

By Justinne Punsalang August 21, 2018 - 04:38 AM

Umaasa si Senadora Loren Legarda na matapos maisabatas ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay magiging mas makabuluhan ang pagdiriwang ng mga Pilipinong Muslim ng Eid’l Adha.

Sa isang pahayag, sinabi ng senadora na makakaasa ang mga kababayan nating Muslim na magkakaroon ang mga ito ng mas magandang socio-economic opportunities dahil sa BOL.

Bukod pa aniya ito sa inaasahang pangmatagalang kapayapaan at seguridad para sa rehiyon at buong bansa.

Hinimok din ni Legarda ang lahat ng Pilipino, kahit hindi kabilang sa relihiyong Islam, na makiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha partikular ang pagsasabuhay ng sakripisyo at debosyon na isinisimbolo nito.

Si Legarda ang may akda ng Republic Act No. 9849 o ang nagsasabatas na gawing isang national holiday ang Eid’l Adha.

 

TAGS: BOL, Eid'l Adha, loren legarda, BOL, Eid'l Adha, loren legarda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.