Occupational Safety Law, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 21, 2018 - 04:35 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na magpapaigting pa sa kaligtasan at health standards para sa mga manggagawa sa bansa.

Nakasaad sa Republic Act No. 11058 o An Act Strengthening Compliance With Occupational Safety and Health Standards, papatawan P100,000 multa kada araw bilang administrative penalty para sa mga pasaway na employer.

Ipapataw ang P100,000 multa multa kada araw hangga’t hindi naitatama ang isang violation.

Saklaw ng bagong batas ang lahat ng mga establisiyemento, projects, sites, at workplaces na nasa sangay ng economic activities.

Sa ilalim ng bagong batas, inaasahang maiiwasan na ang pagkamatay at pagkakasakit ng mga mangagawa. / Chona Yu

Excerpt:

TAGS: Occupational Safety Law, Rodrigo Duterte, Occupational Safety Law, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.