Public apology ng Xiamen Airlines, hindi sapat ayon sa Malakanyang
Hindi sapat ang public apology ng Xiamen Airlines matapos sumadsad ang isang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na managot ang Xiamen Airlines lalo’t libu-libong pasahero ang naapektuhan sa insidente.
Ayon kay Roque, may ginagawa ng imbestigasyon ngayon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at grounded na rin ang piloto ng naturang eroplano.
Katunayan, sinabi pa ni Roque na hindi na pinayagan na makalabas ng bansa ang piloto.
Hindi aniya sapat na basta na lamang makalusot ang kompanya dahil binubusisi na ng Pilipinas kung anong liability ang maaring ipataw sa piloto.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na welcome sa palasyo ng Malakanyang ang ikinakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Airlines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.