Mga opisyal ng NAIA, MIAA, CAAP at DOTr, pinagbibitiw ni Rep. Castelo, kasunod ng aberya sa paliparan
Pinagbibitiw ng isang lider ng Kamara ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DITr) kaugnay ng nangyaring aberya sa NAIA.
Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Chair Winston Castelo, kailangang mayroong magbitiw sa puwesto sa mga opisyal ng mga konsernadong ahensya dahil sa delicadeza.
Sinabi nito na dapat may ulong gumulong sa nangyari dahil sa ibinigay na kahihiyan nito sa bansa sa mata ng pandaigdigang komunidad.
Iginiit nito na kailangang mapanagot administratively, civilly o criminally ang nagpapatakbo ng paliparan.
Bukod dito, kailangan anyang magsagawa ng malalimang imbestigasyon upag hindi na maulit ang kaparehong insidente sa hinaharap.
Dapat anya, pinaghandaan na ng NAIA, MIAA at DOTr ang problema ng pagsadsad ng eroplano.
Ang kawalan ayon kay Castelo ng nakahandang crane at emegency plan ng paliparan kailangang kaagad ma-address.
Muli namang binuhay ng mambabatas ang panukala na isapribado ang operations and maintenance ng NAIA upang matiyak ang competence, efficiency at professionalism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.