Al Argosino, itinurong umanoy utak sa paghingi ng P50M na suhol kay Jack Lam

Si dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino ang umanoy utak sa tangkang paghingi ng suhol na P50 million mula sa Chinese casino mogul na si Jack Lam.

Sa pagdinig sa Sandiganbayan Sixth Division, tinanong ni Associate Justice Karl Miranda si dating Immigration Intelligence Chief Charles Calima Jr. kung sino ang tinutukoy nito sa kanyang affidavit na utak ng anomalya.

Sa kanyang sinumpaan salaysay, sinabi ni Calima na mas malaking share ng P50 million kapalit ng paglaya ng 1,316 illegal Chinese workers ang nais ng utak sa extortion na pinangalanan nitong si Argosino.

Ayon kay Calima, ito rin ang nasa intelligence report ni retired policeman Wally Sombero na kapwa akusado ni Argosino at dating deputy commissioner Michael Robles.

Dagdag nito, nais umano ni Argosino ng mas malaking pera mula kay Lam dahil may kakayanan naman anya itong magbayad.

Una nang sinabi ni Calima na wala siyang personal na kaalaman sa transaksyon sa pagitan nina Argosino, Robles at Sombero noong November 26 at 27, 2006.

Read more...