Sara Duterte, itinangging na na-comatose si Pangulong Duterte

By Len Montaño August 21, 2018 - 04:29 AM

Itinanggi ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na na-comatose si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa text message sa media, sinabi ni Mayor Duterte na kumain pa ang Pangulo ng sinigang na ribs at pansit sa tanghalian araw ng Lunes.

Pahayag ito ng nakababatang Duterte sa gitna ng hindi matapos na ispekulasyon na malala ang kalusugan ng Pangulo at na-comatose ito.

Ang pagka-comatose umano ng Pangulo ay kasunod ng Facebook post ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na nasa state of coma ang Pangulo.

Ayon kay Sison, sa huling pagkakataon na nakita ng publiko ang Pangulo ay sa national convention ng San Beda Law fraternity Lex Talionis sa Davao City, kapuna-puna umanong nangingitim si Duterte.

Walang public event ang Pangulo araw ng Lunes pero nakatakda ang pagdalo nito sa conference ng League of Municipalities Visayas Clusters sa Cebu City araw ng Martes.

TAGS: Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.