Momoland, nakatakdang mag-perform sa UAAP Season 81 opening ceremony
Nakatakdang mag-perform ang Korean girl group na Momoland sa opening ceremony ng UAAP season 81 sa Setyembre.
Sa twitter account ng National University, host ng UAAP season 81, nakapost ang video ng kanilang mga atleta na nagsasayaw ng hit song ng Momoland na “Bboom bboom.”
Tweet ng NU, “Guess who’s coming to the #UAAPSeason81 opening?”
Sa hiwalay na post ay kinumpirma ng unibersidad na darating at may performance ang Momoland sa pagbubukas ng UAAP sa September 8 sa Mall of Asia Arena.
Dumating sa bansa ang grupo noong August 16 at nag-perform sa isang private event.
Nakipag-kita rin ang Momoland kay Sen. Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee gayundin kay dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.