Para patunayang na nasa maayos na kalagayan, ipinakita ni Special Assistant Secretary Christopher “Bong” Go sa pamamagitan ng isang Facebook livestream na wala sa state of coma si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y salungat sa mga balitang lumutang na may malubhang karamdaman ang pangulo.
Ang nasabing balita ay may kaugnayan sa Facebook post ni Communist Party of the Philippine founding chairman Joma Sison na comatose umano si Pangulong Duterte.
Sa nasabing livestream ay inilarawan ni Duterte na siya ay malusog.
“I’m alive – fairly healthy and I’m having dinner with a beautiful lady from Davao…”
Ito ay sagot ng pangulo sa mga espekulasyon na siya ay naka-comatose kung saan kanya rin ibinihagi na paano mangyayari iyon kung may kasama kang isang magandang babae.
“OK pa naman ako. Sabi nila comatose. How can you be comatose with a beautiful lady…,”
Sa pinost na picture ni Go sa kanyang Facebook ay makikita na naka “Duterte post” ito kasama a si Duterte at may caption na “To: JOMA , not COMA but Bong GO-ma. Regards – From: Tatay digong and Kuya Bong GO.”
Binuweltahan naman ng pangulo si Sison sa pagsasabing ito ang may sakit at comatose.
Aniya ay inaabuso nito ang kabaitan ng The Netherlands dahil labas-masok ito sa ospital doon pero hindi nagbabayad.
Hinimok pa ng pangulo si Sison na kung ito ay may sakit at umuwi na lang ito at kanya itong dadalhin sa Bilibid.
Hiling pa ng pangulo para kay Sison na biyayaan ito ng mas mahabang buhay, maski umabot pa umano ng 1,000 taon.
Samantala sa isang text message ng hingin ng rekasyon si Davao City Mayor Sara Duterte kaugnay sa isyu na na-coma ang ama nito ay nag-replay ito na kumain si Pangulong Duterte ng sinigang na ribs at pansit para sa pananghalian nito.