Hindi na papayagan ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang mga magpupunta sa sementeryo sa nalalapit na paggunita ng Undas na magdala ng kanilang mga alagang hayop.
Ayon kay Manila South Cemetery officer-in-charge Ma. Agnes Mendez, hindi na maaring magpasok ng alagang hayop sa nasabing sementeryo sa panahon ng Undas na taon-taon marami ang dumadagsa para bisitahin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay.
Paliwanag ni Mendez, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga papasok sa sementeryo at maiwasan ang insidente ng kagat ng aso.
Sinabi ni Mendez na kapag Undas, hindi maiiwasang magkasiksikan sa loob ng sementeryo.
Kasabay nito, sinabi ni Mendez na nagtalaga na rin ng lugar para sa mga vendors upang maayos ang kanilang mga pwesto at hindi maging magulo sa loob ng sementeryo.
Bawat vendors ay binigyan ng 1m x 1m na laki ng pwesto at inisyuhan ng ID.