PNP nalusutan ng suspected drug lord na si Peter Lim

Natakasan ng umano’y drug lord na si Peter Lim ang mga pulis sa Cebu City.

Isinilbi ng Cebu City Police Office ang arrest warrant laban kay Lim pero bigo silang mahanap ang negosyante sa dalawang address nito sa syudad.

Pumunta ang mga miyembro ng Cebu City Police Office, kasama ang mga opisyal ng barangay, sa address ni Lim sa subdivision sa Bgy. Banilad pero hindi nila ito nakita.

Wala rin si Lim sa addess naman nito sa Bgy. Mabolo.

Pinaaaresto na ni Makati Regional Trial Court Branch 65 Judge Gina Bibat-Palamos si Lim matapos madetermina na may probable cause para litisin ito kasama ang umaming drug trader na si Kerwin Espinosa.

Nahaharap si Lim sa  two counts ng paglabag ng drug trade conspiracy provision ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinakda ng korte ang arraignment ni Lim sa August 28.

Read more...