Magna carta for airline passengers bill ipinamamadali sa Kamara
Hinikayat ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Kamara na aksyunan na upang mapagtibay ang panukalang Magna Carta for Airline Passengers.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, nakapanghihinayang dahil maituturing na unprecedented ang panukala para sa karapatan ng mga sumasakay sa eroplano.
Sa ilalim ng panukala, ipinagbabawal ang overbooking ng mga pasahero ng mga airline company.
Nakasaad din dito ang parusa para sa mga airline companies na magdudulot ng abala sa mga pasahero dahil sa mga delayed at kanseladong byahe.
Sa bawat delayed flight, obligado ang mga airline companies na bigyan ng inumin ang mga pasahero libreng tawag sa telepono, text at internet service kapag dalawang oras na naantala ang byahe.
Ituturing namang kanselado ang byahe ng eroplano kapag naantala na ito ng apat na oras kaya kailangang bigyan ng libreng pagkain, hotel accomodation at libreng transportasyon papuntang hotel at pabalik ng airport.
Maari ding i-refund ng mga pasahero ang pamasahe sa loob ng limang araw, magpare-book ng walang anumang babayaran at maaring i-endorso sa ibang airline company.
Obligado rin ang airline company na i-reimburse ang 75 porsyento ng pamasahe kung kanselado ang flight ng pasahero sa loob ng 24-oras bago ang nakatakdang departure.
Ang mga estudyante at senior citizen sa ilalim ng panukala ay mananatiling entitled sa dalawampung porsyentong discount.
Nagtataka anya siya dahil nakalusot na sa plenaryo ng Kamara ang nasabing panukala pero muli itong ibinalik sa komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.