Dalawang senador nagsabi na walang malubhang sakit ang pangulo

By Den Macaranas August 20, 2018 - 04:16 PM

Pinayuhan nina Sen. Koko Pimentel at Cynthia Villar ang publiko na huwag maniwala sa mga inilutang na report ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na may malubhang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Pimentel na mahirap paniwalaan ang mga kwento ni Sison gayung wala naman siya sa bansa at hindi rin niya alam ang mga tunay na kaganapan dahil kumukuha lamang siya ng impormasyon mula sa ilang kapanalig na grupo.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Sison na hindi maganda ang kaulusugan ng pangulo at nakita ito ng mga dumalo sa nakaraang event ng Lex Taliones Fraternity sa San Beda College.

Marami umano ang nakapansin sa pangingitim ng mukha ng pangulo at nanginginig daw ang kanyang mga kamay.

Sinabi naman ni Villar na nagkita pa sila ng pangulo sa Davao City noong Biyernes at masigla ito ng sila ay magkaharap.

Wala namang umano siyang napansin na may iniinda ang pangulo tulad ng mga pinagsasabi ni Sison.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dadalo bukas ang pangulo sa isang pagpupulong ng League of City Mayors kung saan siya ang tatayong keynote speaker.

Pinayuhan rin niya si Sison na tumahimik na lamang at huwag magpakalat ng mga tsismis tulad ng kanyang ginagawa sa kanyang mga Facebook posts.

TAGS: duterte, lex taliones, Pimentel, Sison, Villar, duterte, lex taliones, Pimentel, Sison, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.