Mga abogado sa ni-raid na Makati bar sinermonan ni Roque

By Chona Yu August 20, 2018 - 03:01 PM

Inquirer file photo

Pinayuhan ng Malacañang ang tatlong abogado na naaresto sa isang bar sa Makati City na mag-aral muli ng batas o sumailalim sa refresher course.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw na nakasaad sa batas na walang partisipasyon ang mga abogado sa ongoing police operation.

Saka lamang aniya magkakaroon ng papel ang mga abogado kapag mayroon nang pending action sa prosecutors office.

Sa una pa lamang, hindi dapat nandoon ang mga abogado na sina Lenie Rocel Rocha, Jan Vincent Soliven at Romulo Bernard Alarcon dahil may hawak na search warrant ang mga pulis.

Bukod dito, hindi rin naman tinukoy ng tatlong abogado kung sino ang kanilang kliyente sa bar.

Nabatid na kinakailangan na sumailalim ang mga abogado ng refresher course sa mandatory continuing legal education kada limang taon.

Kinatigan pa ng Malacañang ang paggawad ng parangal ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa mga pulis na nagsagawa ng raid sa Makati City.

Umapela rin si Roque sa mga pulis na habaan pa ang pasensya sa tatlong abogado dahil mga bagito pa ang mga ito lalo’t kapapasa lang sa bar exam ang isa sa kanila.

TAGS: CHR, drugs, Makari, PNP, Roque, Times Bar, CHR, drugs, Makari, PNP, Roque, Times Bar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.