Hiling ni AJ Caguioa na re-raffle ng Marcos-Robredo electoral protest, tinanggihan ng SC

By Isa Avendaño-Umali August 20, 2018 - 01:55 PM

 

Tinanggihan ng Korte Suprema ang hiling ni Associate Justice Benjamin Caguioa na ire-raffle ang electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Lumabas sa ulat na sa isang internal memo ni Caguioa sa kanyang mga kapwa mahistrado, nais niyang ma-re-raffle ng Supreme Court, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET, ang Marcos-Robredo poll protest.

Sa paliwanag ni Caguioa, na justice-in-charge sa nasabing poll protest, gusto niyang iba na sana ang humawak sa kaso dahil may mosyon para sa kanyang inhibition si Marcos.

Imbes na mag-inhibit ay mas gusto ni Caguioa na ma-re-raffle na lang ang kaso upang maging parte pa rin siya ng deliberasyon at makaboto pa rin siya.

Pero sa pasya ng Korte Suprema, “unanimously” na ibinasura ang hiling ni Caguioa.

Sa isang statement ng Public Information Office ng Supreme Court, kinumpirma nito na walang pagbabago sa paghawak sa electoral protesta no. 0005 o Marcos versus Robredo.

Gayunman, umapela ito sa media na maging maingat at “discerning” sa paglalabas o pag-uulat ng “unofficial and pending matters” na aaksyunan pa ng korte, upang maiwasang mailigaw ang mga tao.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Presidential Electoral Tribunal, Supreme Court, Vice President Leni Robredo, Ferdinand Marcos Jr., Presidential Electoral Tribunal, Supreme Court, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.