4 Japanese basketball players, tanggal sa 2018 Asian Games dahil sa prostitute scandal

By Isa Avendaño-Umali August 20, 2018 - 01:24 PM

 

Tanggal ang apat na basketball players ng Japan mula sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia dahil sa “prostitute scandal.”

Ayon sa Japanese Olympic Committee (JOC), ang apat na manlalaro ay nakita sa “red light district” sa Jakarta, suot ang kani-kanilang national jerseys noong nakalipas na linggo.

Kinilala ang mga nasipang manlalaro na sina Yuya Nagayoshi, Takuya Hashimoto, Takuma Soto at Keita Imamura.

Nag-dinner ang apat at nagtungo raw sa isang hotel nang may kasamang mga prostitute.

Humingi na ng paumanhin ang JOC sa kanilang mga kababayan sa Japan at iba pang fans ng kanilang koponan, bunsod ng kahihiyang idinulot ng apat na manlalaro.

Pagpapasyahan ng lupon kung ano ang posibleng parusa na ipapataw sa apat na basketball players, kapag natapos na ang isinagawang imbestigasyon.

Hindi na bago ang pagpapauwi ng Japan sa kanilang manlalarong nasasangkot sa kontrobersiya.

Noong 2014 Asian Games sa South Korea, pwersahang pinauwi ang swimmer na si Naoya Tomita dahil sa pagnanakaw daw ng camera ng isang journalist.

 

TAGS: 2018 Asian Games, Japanese Olympic Committee, 2018 Asian Games, Japanese Olympic Committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.