Tourist bus nasunog sa C5-Kalayaan Ave. QC

By Mary Rose Cabrales August 20, 2018 - 12:53 PM

Photo grab from Ramil Sumangil’s IG video post

Nasunog ang isang tourist bus sa bahagi ng C5-Kalayaan Avenue sa Quezon City, Lunes ng umaga (August 20).

Base sa inisyal na impormasyon mula kay JC Sto. Domingo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, 11:13 ng umaga nang may tumawag na isang concerned citizen kaugnay sa nasusunog na Kings Coach tourist bus sa bahagi ng southbound ng C5 – Kalayaan Avenue.

Naapula ang apoy ng bus dakong 11:30 ng umaga, at wala namang naitalang nasugatan sa insidente pero nagdulot ito ng pagbigat ng daloy ng trapiko mula sa Kalayaan Ave. hanggang Julia Vargas Avenue.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para matukoy ang sanhi ng pagliyab ng tourist bus.

 

TAGS: Kings Coach tourist bus, mmda, Kings Coach tourist bus, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.