Malakanyang nanghihinayang sa pagbibitiw ni NAPC Sec. Liza Maza
Nalulungkot ang Malakanyang sa pagbibitiw sa puwesto ni National Anti-Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malaking kawalan si Maza sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t sa ilalim ng kanyang pamumuno nakapagtala ng mababang bilang ng mga Filipino na nakaranas ng pagkagutom.
Nanghihinayang din aniya ang Palasyo sa resignation ni Maza dahil binigyan siya ng tsansa na makatulong sa mga Pinoy.
Idinadahilan ni Maza sa kanyang pagbibitiw sa NAPC ang pagkansela ng pangulo sa peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA.
Paliwanag naman ni Roque, walang katotohanan ang pahayag ni Maza dahil purisigido pa rin umano si Duterte na ituloy ang usaping pangkapayapaan basta’t gaganapin ito sa Pilipinas at sa ibang bansa, itigil ang pangongolekta ang revolutionary tax at ihihinto na ang pag-atake sa gobyerno.
Dagdag ng Palace official, tuloy din ang localized peace talks sa makakaliwang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.