Pang. Duterte nasa kama at hindi nasa coma – Malakanyang

Nasa kama, hindi na-coma.

Yan ang iginiit ni Special Assitant to the President Christopher “Bong” Go, kasunod ng post ni Communist Party of the Philippines o CPP founding Chairman Joma Sison na na-coma raw si Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.

Ayon kay Go, nasa kama ang presidente na nagpapahinga, at sa katunayan ay kausap pa raw niya si Duterte kaninang madaling araw.

Bwelta ni Go, “baka nanaginip lang si Joma. Then na palitan lang ni Joma ng letter C ang pangalan niya. Siya pala yun.”

Sa panig naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pinalutang ni Sison ay huwad at walang katotohanan.

Ani Panelo, maaaring nais ni Sison na ma-coma si Duterte, kaya nang bigyan siya ng maling impormasyon ukol sa kalusugan ng presidente ay agad na pinaniwalaan niya ito.

Dagdag ni Panelo, hindi raw tulad ni Sison, ang pangulo ay “in robust health.”

Sinopla rin ni Presidential Spokesperon Harry Roque si Sison, at sinabing nasa maayos na kundisyon ang pangulo na dumadalo pa sa Kadayawan Festival.

Payo ni Roque sa publiko, huwag pakinggan si Sison dahil hindi naman siya doktor.

Batay sa post ni Sison sa Facebook na may petsang August 19, 2018, makikita ang isang litrato ni Duterte na dumalo sa national conference ng San Beda Law fraternity Lex Talionis noong Sabado sa Davao City. 

Ayon daw sa mga nakakita kay Duterte, tila nangitim daw ang mukha nito at kapansin-pansin ang mas pangangatog ng kamay.

Ani Sison, base sa latest report na kailangan pang beripikahin, na-coma raw si Duterte noong araw ng Linggo.

 

Read more...