Landing International Development Ltd., nag-aaksaya lang ng pera sa pagpapatayo ng casino – Malakanyang

By Chona Yu August 20, 2018 - 11:51 AM

 

Nag-aaksaya lamang ng pera ang Hong Kong based firm na Landing International Development Limited sa paggawa ng integrated resort sa Paranaque City na una nang binigyan ng lease contract ng nayong pilipino foundation.

Paliwang ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na nitong magkaroon ng bagong casino sa Pilipinas.

Tiniyak pa ni Roque na hindi bibigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang itinatayong integrated resort ng naturang kompanya.

Kasabay nito, muling kinalampag ng Palasyo ang tanggapan ng Office of the Ombudsman na sampahan na ng kaukulang kaso ang mga sinibak na opisyal ng Nayong Pilipino na nagbigay ng lease contract sa Hong Kong based firm.

Ayon kay Roque, mayroong mandato ang Ombudsman na magsampa ng kaso sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno kahit na walang nagrereklamo.

Matatandaang pinagsisibak ni Pangulong Duterte ang mga lahat ng board of directors and management ng Nayong Pilipino dahil sa pagbibigay ng 75 taon na lease contract sa Landing.

 

TAGS: Landing International Development Limited, Malacañang, Landing International Development Limited, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.