COMELEC, naghahanap na ng supplier ng ballot papers para sa 2019 midterm polls

By Ricky Brozas August 20, 2018 - 11:15 AM

 

Bilang paghahanda sa May 13, 2019 mid-term elections, binuksan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang bidding para sa suplay ng ballot paper at marking pen.

Sa ilalim ng Invitation to Bid na pirmado ni Special Bids and Awards Committee (SBC) Chairperson Thaddeus Hernan, nabatid na naglaan ang poll body ng P150.8 million para sa proyekto.

Ang pondo ay nakapaloob na sa budget ng COMELEC para sa taong 2018 alinsunod sa itinatakda ng General Appropriations Act (GAA).

Para sa ballot papers, nangangailangan ang COMELEC ng 2,610 rolls, at sa marking pen naman ay 1,168,200 piraso.

Ang mga interesadong bidder ay kinakailangang ay nakakumpleto ng kontrata para sa kaparehong proyekto sa nakalipas na walong taon.

Ang deadline para sa pagsusumite ng bid ay pinalawig ng COMELEC hanggang August 24, 2018.

 

TAGS: 2019 midterm elections, comelec, 2019 midterm elections, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.