“Medalya ng Kagalingan,” iginawad sa mga pulis-Makati na nang-raid sa Times Bar
Ginawaran ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ng “Medalya ng Kagalingan” ang mga pulis-Makati na kasama sa ginawang anti-drug operasyon sa Times Bar, sa Makati City noong nakalipas na linggo.
Mismong si PNP Chief Oscar Albayalde ang nagbigay ng parangal sa mga miyembro ng drug enforcement unit ng Makati Police, sa flag ceremony sa Kampo Krame Lunes ng umaga (August 20).
Kabilang sa nakatanggap ng Medalya ng Kagalingan ay ang pinuno ng Makati Police si Senior Supt. Rogelio Simon.
Matatandaang aabot sa dalawang milyong pisong halaga ng party drugs ang nasabat ng Makati Police sa Times Bar noong nakaraang linggo.
Inaresto naman ang tatlong abogado ng Times Bar, matapos umanong maging sagabal sa isinagawang operasyon ng mga pulis.
Umani ng batikos ang mga pulis dahil dito, pero pagtatanggol ni Albayalde, mas nakakaalarma ang pakikialam ng mga abogado sa trabaho ng mga pulis.
Pagtitiyak ni Albayalde, ang mga pulis-Makati ay bibigyan ng mas magagaling na abogado, kumpara raw sa mga naarestong abogado ng Times Bar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.