P6.4M halaga ng shabu nasabat sa isang estudyante sa Cebu City

 

Arestado ang isang 29-anyos na estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sambag 2 sa Cebu City, Lunes ng umaga (August 20).

Kinilala ng Abellana police station ang suspek na si Rinheart Moreno, residente ng Sitio Upper Kawayanan, Barangay Sambag 2 sa Cebu City.

Nasabat sa suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.4 million, at ang mga marked money.

Nahaharap si Moreno sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...