2 bagyo sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA

By Rhommel Balasbas August 20, 2018 - 06:47 AM

 

Dalawang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Ayon sa 4:00 AM weather advisory ng PAGASA, ang sentro ng Typhoon ‘Soulik’ na nasa bungad ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay huling namataan sa layong 1,670 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng dulong Hilagang Luzon.

Habang ang Tropical Storm ‘Cimaron’ na nasa labas din ng bansa ay huling namataan sa layong 2,965 kilometro Silangan ng Luzon.

Ang pangalan ng bagyo na ‘Cimaron’ ay kontribusyon ng Pilipinas at nangangahulugang Philippine wild ox.

Hindi nakikitang papasok sa PAR ang bagyong Cimaron.

Sa ngayon ay parehong walang direktang epekto ang dalawang bagyo sa buong bansa.

Nakakaapekto naman ang habagat sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, Cordillera, Zambales At Bataan kung saan mararanasan ang mga katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon, Calabarzon, Mindoro, Hilagang Palawan ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon ay sisilip ang araw at posible ang pag-ulan dulot lamang ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Sa buong Visayas at Mindanao naman ay maalinsangan ang panahon liban na lamang sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

 

TAGS: Pagasa, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.