Ang kanselasyon ng flights bagamat bukas na ang NAIA runway ay bunsod ng limitadong runway operations.
Sa abiso ng Cebu Pacific, kanselado ang mga sumusunod na flights ngayong araw:
• 5J 483/484 Manila-Bacolod-Manila
• 5J 451/452 Manila-Iloilo-Manila
• 5J 321/322 Manila-Legazpi-Manila
Ayon sa Cebu Pacific, ang mga pasahero ng mga naturang flights ay pwedeng i-accommodate sa mga kasunod na available flights ngayong araw.
Samantala sa abiso naman ng Air Asia, kanselado rin ang mga sumusunod na flights:
• Z20763 Manila-Cebu
• Z29764 Cebu-Manila
• Z20424 Manila-Puerto Princesa
• Z20425 Puerto Princesa-Manila
• Z20309 Manila-Iloilo
• Z20310 Iloilo-Manila
• Z2 225 Manila-Caticlan
• Z2 226 Caticlan-Manila
• Z2 761 Manila-Cebu
• Z2 762 Cebu-Manila
Ayon sa dalawang air companies, may tatlon opsyon ang mga apektadong pasahero.
Una, maaring magrebook ng flights ang mga apektadong pasahero sa loob ng 30 araw mula sa original date of departure.
Pangalawa, pwede rin mai-convert ito bilang Travel Fund sa hinaharap.
Pangatlo, pwede ang full refund ng booking.
Hiniling ng mga kumpanya na makipag-ugnayan sa kanilang customer service team o hindi kaya ay tumungo sa website para sa pagsasaayos ng bookings.