ConCom, pinuri ng Malacañang sa pagtatapos ng en banc session para sa federalismo
‘Good job!’
Ito ang mensahe Palasyo ng Malacañang sa binuong Consultative Committee kasunod ng pagkakabuo ng draft ng Federal Constituion.
Sa isang pahayag, ipinarating ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pasasalamat sa ConCom sa ginawang masusing pag-aaral sa mga probisyon ng 1987 Constitution para sa isinusulong na federalismo.
Ang pahayag ng Malacañang ay inilabas matapos isagawa ng Con-Com ang ika-18 at huling en banc session para sa isinusulong na uri ng gobyerno.
Ayon kay Roque, hindi madali ang magbalangkas ng bagong Konstitusyon pero ito ay naisakatuparan.
Sa ngayon anya ay kailangan nang gawin ng Kongreso ang trabaho nito sa pagsasapinal ng pagbabago sa Saligang Batas.
Sinabi rin ng Con-Com kahapon na nakatakdang personal na dumalo si Pangulong Duterte sa information campaign sa federalismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.