Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, masisilayan sa KAKADU 2018 ang 24 na sasakyang pandagat at 21 aircrafts mula sa 26 na bansa.
Ayon kay Zata, magpapadala ng 300-man contingent ang Navy sakay ng BRP Ramon Alcaraz FF16 para sa naturang maritime exercises.
Isang send-off ceremony sa Pier 13, South Harbor sa Maynila mamayang alas-2:00 ng hapon ang isasagawa para sa tropa ng Navy.
Sinabi ni Zata na ang KAKADU ay isang oportunidad sa mga hukbong pandagat na maipakita ang pagkakaisa ng mga bansa at ng mga sundalo nito.
Ayon sa opisyal, ito ang ikatlong pagkakataon na magpapadala ang Philippine Navy ng sasakyang pandagat simula ng magsimula ang KAKADU noong 1993.
Huling nagpadala ng Naval ship ang bansa noong 1999 at 2014.
Samantala, ang mga kalahok na bansa bukod sa Pilipinas ay ang Australia, Bangladesh, Brunei, Cambodia, Canada, Chile, China, Fiji, France, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Pakistan, Papua New Guinea, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Timor-Leste, Tonga, UAE, USA at Vietnam.