Mar Roxas, hindi isinasara ang pintuan para sa 2019 elections

By Rhommel Balasbas August 20, 2018 - 02:50 AM

INQUIRER file photo

Hindi isinasara ni dating Interior Secretary at dating senador Mar Roxas ang kanyang pintuan sa pagtakbo sa Senado para sa 2019 midterm elections.

Sa panayam ng radio show ni Vice President Leni Robredo, sinabi ni Roxas na bukas naman siyang tumakbo sakaling ang tawag ng serbisyo publiko ay umiral sa kanya.

Ani Roxas, sa ngayon ay ayaw niyang iprisinta ang sarili sa mga mamamayan at mangangakong ipaglalaban sila nang hindi buo ang kanyang kalooban.

Sa ngayon anya ay pinagninilayan pa niya ang dahilan ng kanyang pagtakbo.

Hinahanap niya anya ang sinseridad sa kanyang kalooban at tamang motibasyon sa kanyang paglahok muli sa halalan.

Hinihimok si Roxas ng Liberal Party at iba pang grupo na muling tumakbo sa pagka-Senador sa 2019.

Nagsilbi na si Roxas sa Senado mula 2004 hanggang 2010 bago matalo sa pagka-bise presidente noong 2010 at sa pagkapangulo naman noong 2016.

TAGS: 2019 midterm elections, Mar Roxas, 2019 midterm elections, Mar Roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.