MRT, nagka-aberya; Higit 600 pasahero, pinababa ng tren

By Angellic Jordan August 19, 2018 - 09:21 PM

Aabot sa 600 na pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang pinababa makaraang makaranas ng aberya sa bahagi ng Shaw Boulevard station, Linggo ng hapon.

Ayon sa Department of Transportation-MRT 3, nagkaroon ng electrical failure sa motor ng isang northbound train bandang 3:07 ng hapon.

Naghintay ng limang minuto ang mga apektadong pasahero bago nakasakay sa panibagong tren.

Sa ngayon, isinailalim na sa preventive maintenance ang nagkaproblemang tren.

Matatandaang sampung araw ang lumipas bago ang huling unloading incident sa MRT.

TAGS: dotr, mrt3, unloading incident, dotr, mrt3, unloading incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.