Gatchalian, binatikos ang mabagal na pamimigay ng UCT

By Angellic Jordan August 19, 2018 - 05:39 PM

Binatikos ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang mabagal na pag-usad ng pamamahagi ng unconditional cash transfer (UCT) para sa mga pamilyang higit na apektado ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion package o TRAIN law.

Ayon sa senador, ipinapakita lang nito na hindi pa handa ang bansa sa TRAIN law. Nalulungkot din ang senador dahil taumbayan ang apektado ng mabagal na pamamahagi sa nasabing pondo.

Para mabigyan ng tulong ang mga pamilyang Pilipino, naisip ng gobyerno na magsimula ng unconditional cash transfer program na magbibigay sa mga benepisyaryo ng buwanang allowance na P200 o P2,400 kada taon.

Inasahan namang madadgdagan ito at magiging P300 kada buwan o P3,600 kada taon pagpasok ng 2019 at 2020.

Sa inilabas na datos ng Department of Finance (DOF), sa 10 milyong benepisyaryo ng gobyerno, 5.3 milyon pa lang ang nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno.

Nagdududa ang senador kung matatapos ang naturang program ng gobyerno sa itinakdang panahon sa Setyembre.

Matatandaang pinaalalahanan ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang mga ahensyang sakop ng programa na madalian na ang proseso ng pagbibigay ng financial assistance para sa mga benepisyaryo ng nito.

Nabanggit din ni Pernia na isa sa mga dahilan ng mabagal na pamamahagi sa financial assistance ay ang lokasyon ng mga benepisyaryo.

TAGS: DOF, Sherwin Gatchalian, train law, unconditional cash transfer program, DOF, Sherwin Gatchalian, train law, unconditional cash transfer program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.