Ayon kay Monreal, nakikiusap siya sa mga kumpanya na harapin ang mga pasahero na apektado ng kanselado at delayed na flights sa NAIA.
Aniya kung mayroon ding kasalanan ang mga kumpanya, kinakailangan nilang tanggapin ito.
Marami na kasing mga pasahero ang nagrereklamo na hindi sila nabibigyan ng karampatang abiso ng mga kumpanya sa sitwasyon at kung kailan sila makakaalis ng bansa.
Dagdadg pa nito, iwasan ding magturuan ang mga airline company at pamunuan ng MIAA dahil sa hindi normal na sitwasyon sa paliparan.
Nitong Sabado, apat na recovery flights ang ipinadala ng Xiamen Airlines na walang clearance mula sa MIAA kaya’t lalong nagkagulo ang kalagayan ng NAIA.
Inamin naman ng MIAA na kulang ang kanilang kapangyarihan paramapatawan ng parusa ang Xiamen at iba pang airlines na hindi sumusunod sa protocol.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa tunay na sanhi ng pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA runway.