Airline companies, pinayuhang harapin ang mga naipit na pasahero sa NAIA

By Angellic Jordan August 19, 2018 - 04:48 PM

Pinayuhan ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang mga airlines company na maging matapang at harapin ang kanilang mga pasahero sa kabila ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Monreal, nakikiusap siya sa mga kumpanya na harapin ang mga pasahero na apektado ng kanselado at delayed na flights sa NAIA.

Aniya kung mayroon ding kasalanan ang mga kumpanya, kinakailangan nilang tanggapin ito.

Marami na kasing mga pasahero ang nagrereklamo na hindi sila nabibigyan ng karampatang abiso ng mga kumpanya sa sitwasyon at kung kailan sila makakaalis ng bansa.

Dagdadg pa nito, iwasan ding magturuan ang mga airline company at pamunuan ng MIAA dahil sa hindi normal na sitwasyon sa paliparan.

Nitong Sabado, apat na recovery flights ang ipinadala ng Xiamen Airlines na walang clearance mula sa MIAA kaya’t lalong nagkagulo ang kalagayan ng NAIA.

Inamin naman ng MIAA na kulang ang kanilang kapangyarihan paramapatawan ng parusa ang Xiamen at iba pang airlines na hindi sumusunod sa protocol.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa tunay na sanhi ng pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA runway.

TAGS: MIAA, NAIA, Xiamen Airlines, MIAA, NAIA, Xiamen Airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.