Bilang ng mga napabiyaheng flights sa NAIA, umabot sa higit 700 – MIAA
Higit sa 700 na flights ang naglabas-pasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula nang magbalik sa normal ang operasyon noong araw ng Sabado, August 19.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, umabot sa 681 na domestic at international flights ang napabiyahe sa paliparan.
Sa naturang bilang, hindi bababa sa 136,200 na pasahero ang naserbisyuhan nito simula 11:25, Sabado ng umaga, hanggang 11:00, Linggo ng umaga (August 19).
Umaabot aniya ng 200 pasahero ang napapasakay sa kada flight.
Dahil dito, sinabi ni Monreal na nabawasan na ang mga naipit na pasahero sa Terminal 2 at 3.
Batay aniya sa mga ulat, Terminal 1 na lang ang may malaking problema.
Matatandaang sumadsad ang isang eroplano ng Xiamen Air flight MF 8667, Huwebes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.