China nakakuha ng unang gintong medalya sa Asian Games

AFP photo

Nakuha ng Chinese wushu athlete na si Sun Peiyuan ang kauna-unahang gintong medalya sa 2018 Asian Games.

Natalo ng 28-anyos na atleta ang pambato ng Indonesia na si Edgar Xavier Marvelo sa Chinese martial art men’s changquan category sa iskor na 9.75.

Matatandaang nakapag-uwi ng China ng kabuuang 151 gintong medalya sa 2014 Games sa Incheon.

Samantala, nakuha naman ng Taiwanese athlete na si Tsai Tsemin ang unang bronze medal ngayong Asian Games.

Read more...