Ika-140 kaarawan ni dating Pang. Manuel Quezon, ginunita
Nakiisa ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa ika-140 birth anniversary ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Quezon Memorial Circle, Linggo ng umaga.
Nagsagawa ng wreath-laying ceremony sa Quezon Museum sa pangunguna ni QC Mayor Herbert Bautista, QCPD director CSupt. Joselito Esquivel, Israel Ambassador to the Philippine Ephraim Ben Matityau at ng NHCP Executive Director Ludovico Badoy.
Maliban dito, nagbigay rin ng thanksgiving message ang kaniyang apo sa tuhod na si Yael Buencamino Borromeo.
Samantala, sinundan ang pagdiriwang ng inagurasyon ng bagong Presidential Car Museum sa naturang lungsod.
Nagsilbi si Presidential spokesman Harry Roque bilang pangunahing pagdangal sa pagbubukas nito.
Tampok sa museo ang mga ginamit na presidential car mula kay dating Pangulong Emilio Aguinalo hanggang kay Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay nagsisilbi bilang house speaker.
Ilan sa mga makikitang klase ng sasakyan ay ang Chrysler Airflow Custom Imperial CW at Cadillac V16 Transformable Town Car Cabriolet ni Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.