Agusan Del Sur, Compostela Valley niyanig ng magkasunod na lindol

By Angellic Jordan August 19, 2018 - 09:42 AM

Phivolcs photo

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Agusan Del Sur at Compostela Valley, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, unang nilindol naitala ang magnitude 4.9 na lindol sa layong 9 kilometers South ng Bunawan sa Agusan Del Sur dakong 8:28 ng umaga.

May lalim itong 66 kilometers at tectonic ang origin.

Sa kaparehong oras, tumama naman ang magnitude 5 na lindol sa Compostela.

Phivolcs photo

May lalim naman ang ikalawang lindol na 207 kilometers at tectonic din ang pinagmulan.

 

Gayunman, kapwa walang napaulat na nasira sa mga ari-arian sa nabanggit na lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks bunsod nito.

TAGS: lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.