‘Rido’ hinihinalang motibo sa pananambang sa Maguindanao

By Kathleen Betina Aenlle October 28, 2015 - 04:18 AM

 

crime-sceneRido o awayan sa angkan ang hinihinalang dahilan sa naganap na ambush sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pinagbabaril ng mga suspek ang isang pulang Toyota Innova na may sakay na pitong pasahero.

Lima sa kanila na pawang magkakamag-anak kabilang ang isang apat na taong gulang na bata ang nasawi dahil sa ambush, habang dalawa sa kanila ay nakaligtas at dinala agad sa ospital ng mga pulis na rumesponde sa insidente.

Kinilala ng mga pulis ang dalawa sa mga nasawi na sina Hadja Bai Lilang Tambuyong Ayunan at anak nitong si Pink Rose Ayunan, habang hindi pa naman inilalabas ang mga pangalan ng dalawa niyang apo at ng kanilang driver.

Base sa paunang imbestigasyon, pauwi na sina Ayunan mula sa General Santos City nang maganap ang insidente.

Samantala, tumakas ang mga suspek lulan ng isang hindi pa natutukoy na sasakyan patungo sa direksyon ng General Santos City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.