Thunderstorm advisory, itinaas sa Metro Manila at Batangas
Nagtaas ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at lalawigan ng Batangas.
Sa 7:51 AM advisory ng weather bureau, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mayroong kidlat at bugso ng hangin sa nasabing lugar sa susunod na dalawang oras.
Ang nasabing sama ng panahon ay inaasahang iiral din sa Ternate, Naic, Tanza, Rosario, Novaleta at Cavite City sa Cavite; Morong, Bagac, Mariveles at Limay sa Bataan sa loob ng dalawang oras.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.