Ayon sa militar, nakatakas si Corporal Johannes Parreño mula sa 28th Infantry Battalion noong Biyernes ng hapon, August 17, matapos madakip ng mga armadong miyembro ng NPA noong June 10.
Tinulungan umano si Parreño ng ilang opisyal ng barangay na malaman ang daan patungo sa tactical command post ng 67th Infantry Battalion.
Samantala, kasamang nadakip ni Parreño si CAFGU Active Auxiliary Dindo Sagayno habang pabalik sila sa kampo matapos ang isinagawang school supplies-giving activity sa Taragona, Davao Oriental.
Nagpasalamat naman si 67th Infantry Battalion commander Lt. Col. Jacob Thadeus Obligado sa suporta ng komunidad sa naturang sundalo.
Bihira aniya ang naturang pangyayari dahil kadalasan ay nagkakaroon ng negosasyon sa rebeldeng grupo para palayain ang mga biktima nito.
Tiniyak naman ni Obligado na patuloy ang military operation ng tropa ng pamahalaan para mailigtas ang isa pang bihag na sundalo at mahuli ang mga rebelde.