Poe, nais bigyan ng pagkakataon ang iba kaya’t inalis si Lacson

By Jay Dones October 28, 2015 - 04:15 AM

 

Inquirer file photo

Inalis ni Senador Grace Poe si dating Senador Panfilo Lacson sa kanilang senatorial line-up upang bigyan ng pagkakataon ang iba pang mga kandidato na makatakbo sa nalalapit na eleksyon.

Nilinaw ni Poe na hindi kuwestyon ang kakayahan ni Lacson na manalong senador kaya’t hindi na ito isinama sa kanilang tiket.

Ipinaliwanag ni Poe na may dalawa nang major political party na sumusuporta kay Lacson kaya’t hindi na nito kailangan pa ang suporta ng kanilang partido sa kasalukuyan.

“Marami rin naman na walang suporta na puwede naman nating bigyan ng pagkakataon. Nung tumakbo ako nun, malayo ako sa survey pero nabigyan ako ng pagkakataon ng administrasyon,”

Si Lacson ay guest candidate na ng Liberal Party at ng United Nationalist Alliance o UNA.

Una nang kinumpirma ni Lacson na hindi na siya kabilang sa iaanunsyong lineup ng Poe-Chiz tandem sa nalalapit na Huwebes.

Pumalit kay Lacson sa tiket ng senadora ang dating Optical Media Board chairman at aktor na si Edu Manzano.

Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na hindi niya minamasama ang pagkakalaglag niya sa lineup ni Poe.

Gayunman, kanyang susuportahan na lamang aniya ang kandidatura ni LP standard bearer Mar Roxas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.