Sen. Poe dismayado sa kabuuan ng operasyon ng NAIA

By Rhommel Balasbas August 19, 2018 - 06:00 AM

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Grace Poe na siyang chairwoman ng Senate Public Services Committee sa buong operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos maparalisa ang paliparan dahil sa pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Airlines sa runway.

Ikinadismaya ng senadora ang matagal na panahon bago maialis sa runway ang eroplano dahilan para mastranded ang libu-libong pasahero at hindi makalipad o makalapag ang anumang eroplano palabas at papasok ng NAIA.

Tinanong ng senadora ang Manila International Airport (MIAA) at Department of Transportation (DOTr) kung ano ang contingency plan ng mga ito sa kahalintulad na insidente at kung may sapat bang kagamitan para mag-tow ng mga eroplano.

Giit pa ng senadora, hindi lamang ekonomiya ang apektado ng pangyayari kundi ang imahe ng bansa sa international community.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.