PAL, magbubukas ng 42 ticketing offices para sa mga naapektuhan ng NAIA runway closure

Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) na magbubukas ito ng 42 ticketing offices sa buong bansa mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ngayong araw.

Ito ay upang maserbisyuhan ang mga pasahero na kailangang magpa-rebook o mag-refund bunsod ng kanselasyon ng flights dahil sa pagsasara ng NAIA runway.

Matatandaang dahil sa pagsadsad ng isa sa mga eroplano ng Xiamen Airlines ay isinara ang runway.

Ayon sa PAL, lahat ng may mga confirmed tickets ng mga kanseladong international at domestic flights ay hinihikayat na i-avail ang serbisyo.

Ang mga apektadong pasahero ay maaaring magrebook o refund sa pamamagitan ng pagtawag sa PAL hotline number (+632) 855-8888.

Read more...