3 menor de edad nasagip, 4 suspek arestado sa buy bust operation sa Maynila

Nailigtas ang 3 menor de edad habang arestado ang 4 na drug suspects sa buy bust operation sa Recto Avenue Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang nailigtas na mga menor de edad ay isang 15 anyos na Grade 9 student at dalawang 14 anyos na Grade 8 students sa Quezon City.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Caroline Manuel, Myra Naucom, Amy Solero at John Joseph Solon.

Nakumpiska sa mga ito ang 52 na maliit na sachets at isang medium-size sachet ng hinihinalang shabu at 11 maliit na sachets at isang medium-size sachet ng hinihinalang marijuana na hindi pa tukoy ang street value.

Nakuha rin sa mga suspek ang P2,400 cash, sling bag at digital weighing scale at ang P500 buy bust money.

Itinurn-over ang mga menor de edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang 4 na suspects ay sumailalim sa inquest proceedings.

Read more...