Pagkamatay ng Pinay OFW sa Saudi Arabia, iniimbestigahan na ng DFA
Iniimbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang Filipina household worker sa Saudi Arabia na ang bangkay ay nakita sa loob ng isang kwarto sa hotel sa Jeddah.
Sa report sa DFA sa Manila, sinabi ng Philippine Consulate General sa Jeddah na batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, ang nasawing Pinay ay napaulat na nawawala tatlong araw na ang nakakalipas.
Umaga lamang ng Sabado nang magdiskubre ang kanyang bangkay.
Ikinalungkot ni Consul General Edgar Badajos ang pagpanaw ng OFW na ang dahilan ay wala pang detalye.
Nakikipag-ugnayan anya ang konsulada sa mga otoridad sa Jeddah para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng Pinay na hindi muna pinangalanan dahil aabisuhan pa ang mga kaanak nito.
Sa inisyal na impormasyon, ang nasawi ay dalagang Pinay na 52 anyos. Dumating ito sa Saudi Arabia noong 2007 para magtrabaho bilang household service worker.
Inaasahan magsasagawa ng awtopisya ang mga awtoridad anumang oras upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.