School admin sa CamSur, nanunog ng bags ng mga estudyante

By Marilyn Montaño August 18, 2018 - 11:26 PM

Viral ngayon sa social media ang mga larawan at video kaugnay ng pagsunog sa mga bag ng mga estudyante ng isang eskwelahan sa Bicol dahil sa pagsuway ng mga estudyante sa “no bag” order.

Sa twitter, nag-post si Earl Vincent Cañaveral ng dalawang larawan kung saan makikita ang mga sunog na bag.

Nakatayo sa harap ng mga bag ang ilang estudyante ng Bicol Central Academy sa Libmanan, Camarines Sur.

Sinunog ang mga bag ng mga estudyante sa quadrangle sa utos umano ng school administration.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 3,00 retweet at mahigit 8,000 likes ang post.

Sa video post naman ni Cañaveral, mapapanood ang kinilala nitong school head na si Alexander James Jaucian na sinisigawan ang mga estudyante dahil sa hindi pagsunod sa kanilang utos.

Tinawag pa umano ni Jaucian ang mga estudyante na “stupid.”

Ayon sa netizen, nangyari ito sa Tasumaki Day ng eskwelahan kung saan sinabihan ang mga estudyante na magsuot ng formal attire at pinagbawalan silang magdala ng mga bag pero pwede ang pouch.

Pero nagdala umano ng mga bag ang mga estudyante dahil kailangan nila ng pamalit na damit na gagamitin naman sa ibang school activities.

Sinabi ni Cañaveral sa Inquirer.Net na nagalit si Jaucian nang makita ang mga bag at inutos nito na kumpiskahin ang mga ito at pina-linya ang mga estudyante sa quadrangle.

Kabilang sa mga gamit na nasa loob ng sinunog na mga bag ang mga laptop at cellphone.

Sa ngayon ay wala pang inilabas na pahayag ang Bicol Central Academy.

TAGS: Bicol Central Academy, Bicol Central Academy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.