Full cooperation sa imbestigasyon tiniyak ng Xiamen Air sa CAAP

By Den Macaranas August 18, 2018 - 08:39 PM

Inquirer photo

Nagbigay ng katiyakan ang Xiamen Airlines na makikipagtulungan sila sa gagawing imbestigasyon ng Manila International Airport Authority kaugnay sa pagsadsad ng isa sa kanilang mga eroplano sa dulo ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiangco na parating na rin sa bansa ang iba pang mga opisyal ng nasabing airline company.

Dadalhin rin sa Singapore ang flight data recorder ng eroplano para sa decoding ng mga mahahalagang impormasyon na pwedeng makita doon.

Hindi naman matiyak ng mga otoridad kung gaano katagal aabutin ang kanilang imbestigasyon.

Isa rin sa iimbestigahan ng mga CAAP ay ang pahayag ng mga pasahero ng Xiamen Air mayroon silang napansin na amoy ng nasusunog na plastic o wire bago ang pagbaba ng eroplano sa NAIA.

Magugunitang mahigit sa 30 oras na isinara ang NAIA runway dahil sa nasabing insidente.

Dahil sa nasabing pangyayari ay libo-libong mga pasahero ang na-stranded sa paliparan dahil sa pag-overshoot ng Xiamen airline.

TAGS: CAAP, NAIA, overshoot, runway, Xiamen Air, CAAP, NAIA, overshoot, runway, Xiamen Air

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.