Pinag-aaralan na ng Pilipinas ang pagbili ng mga barko mula sa Russia.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta na dumadaan na sa pag-aaral ang nasabing panukala.
Ipinaliwanag rin ng opisyal na hindi lang naman ang Pilipinas ang may balak bumili ng mga armas at iba pang uri ng military hardware sa Russia kundi maging ang iba pang mga developing countries.
Nilinaw rin ni Sorreta na hindi nakikialam sa pulitika sa isang partikular na bansa ang Russia lalo na sa pagbebenta ng mga armas.
Magugunitang hindi itinuloy ng bansa ang pagbili ng mga helicopters sa Canada makaraan ang naging pahayag ng nasabing bansa na hindi sila papayag na gamitin sa mga military operations ang kanilang mga produkto.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibili rin ng pamahalan ng mga submarines na gawa sa Russia.
Noong nakalipas na taon ay nagbigay ang Russian government ng 20 military trucks, 5,000 AK-47 rifles, mga bala at military helmets.