Jordan Clarkson magsusuot ng Barong sa pagbubukas ng Asian Games

By Den Macaranas August 18, 2018 - 06:49 PM

Magsusuot ng Barong Tagalog ang Filipino-American NBA star na si Jordan Clarkson na siyang magdadala ng watawat ng bansa para sa opening ceremony ng 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ng Filipino community sa Jakarta na excited na sila na makita ang mga manlalarong Pinoy sa pagbubukas ng palaro bukas sa Gelora Bung Karno Stadium.

Si Clarkson ay muntik pang hindi napasama sa Philippine men’s basketball team dahil hindi kaagad naglabas ng desisyon ang NBA sa ipinadalang apela ng mga sports officials ng bansa.

Noong Huwebes lamang dumating sa Indonesia si Clarkson at napanood pa niya kung paanong tinambakan ng Philippine team ang Kazakhstan sa iskor na 96-59.

Unang mapapasabak si Clarkson kasama ang buong Team Pilipinas sa kanilang pakikipagharap sa China sa Martes.

Makakaharap ni Clarkson ang mga Chinese NBA players na sina Zhou Qi ng Houston Rockets and Ding Yangyuhang ng Dallas Mavericks.

Sinabi naman ni coach Yeng Guiao na gagawin ng kanyang team ang lahat para maibigay sa Pilipinas ang inaasam na mga medalya sa Asian Games.

TAGS: Asian Games, indonesia, Jakarta, jordan clarkson, philippine sports commission, Pinoy, Asian Games, indonesia, Jakarta, jordan clarkson, philippine sports commission, Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.