‘Huwag matakot sa sausage’- Germany

By Jay Dones October 28, 2015 - 04:08 AM

 

Mula sa google

Hindi dapat matakot na kumain ang publiko ng sausage o ‘Bratwurst’.

Ito ang pahayag ng food and agriculture minister ng bansang Germany sa kabila ng anunsyo ng World Health Organization na nakaka-cancer ang pagkain ng sausage, bacon at iba pang processed meat.

Paliwanag ni Christian Schmidt, hindi dapat katakutan ng publiko ang pagkain ng ‘bratwurst’ na isang sikat na uri ng sausage na mula Germany.

Paliwanag ni Schmidt, tulad ng ibang pang pagkain, ang sikreto ay ang pagkain lamang nito ng sapat lamang at hindi sobra-sobra.

Maging ang bansang Austria ay pumalag din sa deklarasyon ng WHO na cancerous ang pagkain ng sausage, sa pagsasabing kalokohan ang anunsyo.

Ayon kay Andrae Rupprechter na counterpart ni Schmidt sa Austria, hindi makatarungang isama sa grupo ng mga cancerous substance tulad ng asbestos at diesel fume ang processed meat tulad ng sausage at ham.

Ang Germany ay isa sa mga meat producing na bansa sa Europe na nakakagawa ng 8.8 milyon na tonelada ng iba’t-ibang uri ng meat products batay sa record noong 2013.

Ang sausage o bratwurst ay normal na makikita sa mga lamesa ng isang tipikal na German family.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.